Saturday, June 16, 2012

Sana

June 16, 2012
sinimulan ko ang tulang ito noong Hunyo 15 at ngayon ko lang siya tinapos. hoho.
this is for creative writing purposes only. no person involved xD
paalala lng. badtrip ksi pg may ngcomment na nmn. lol.
------------------------------------------------------

Ilang buwan na ang nakalipas nang
Ika'y tuluyan kong kinalimutan
Hindi madali ang pinagdaanan
Lalo na kung sa bawat araw
Bawat oras ika'y nasa isip
Hinahangad na sana andito ka pa rin
Sa aking tabi tulad noon, tulad ng dati

Ngunit sa kabila ng lahat
Pinilit kong mamuhay ng wala ka
Kahit minsan gusto nang sumuko
Ng pusong ikaw lang ang sinisigaw
Ikaw lang ang kailangan
Kahit sino hindi mapapantayan
Dahil tanging ikaw aking mahal

Ano nga bang magagawa ko
Kung hindi mo kayang suklian
Ang pag-ibig kong para sa'yo lamang
Pero wala namang kapalit ang lahat
Kahit nasaktan na't iniwan
Hindi ko kayang magalit sa'yo
Pinili ko kasing mahalin ka ng todo

Nakakasama lang talaga ng loob
Na makita kang nasasaktan sa kanya
Ngunit ano bang magagawa ko
Kung mahal mo siyang talaga
Sana magbago ang ihip ng hangin
Sana akin ka na lang ulit
Sana tayo na lang kahit saglit

No comments:

Post a Comment