Thursday, June 14, 2012

Kathang Isip Lamang

June 14, 2012
at dahil ang sarap tumambay sa football field, at dahil may dalawang naglalampungan sa banda roon.. hoho
--------------------------------

Malamig ang simoy ng hangin na nalalanghap ko
Habang sumasayaw ang bawat dahon sa mga punong nakapaligid
Sa akin at ninanamnam ang init ng sikat ng araw
Mas mainam sana kung narito ka sa aking piling
Tulad ng dalawang magkasintahan na naghaharutan
Doon sa ilalim ng punong nag-iisang nagdurusa
Tulad kong nakatanaw rin sa matamis nilang pagsasama
Nagmamahalan na parang wala nang bukas
Nagpapaloko sa bawat sandaling sila'y masaya
Hindi nila alam na matatapos rin ang lahat
Hindi ba ganun ang nangyari sa atin?
Minsan rin tayong naniwala na pang-habang buhay na
Pero heto nauwi rin sa wala
Pawang kathang isip lamang pala

No comments:

Post a Comment