Thursday, April 26, 2012

Simply Missing You

April 25, 2012

'coz you inspire me to write
----------------------------

I emptied my heart in the midst of the night
My pillows were drenched in droplets of tears
Sadness stole the brightness of the moonlight
Draped in shivering silhouette of fears

Breaking away from your captivity
You hold me tighter than I can contain
Undo the spell that has blinded me
But let my love for you remain
The fire in your eyes is set ablaze
Insatiable passion drives me weak
I yearn to touch that impeccable face
An ethereal being I'll always seek
------------------------------------
this is for you <3

Unread

April 23, 2012
During Geog 1 class 11-1 pm, I wrote this poem.

------------------------------------

Sa bawat araw na dumaraan
Hindi maiwasang ika'y maisip
Wag na sana akong pahirapan pa
Ako'y tuluyang nahuhulog na

Sa bawat minutong lumilipas
Nanghihinayang sa dumaang oras
Huli na nang ika'y makilala
Ngayon pang ika'y lilisan na

Hiling kong huminto ang pag-ikot ng mundo
Kasabay ang pagtibok ng aking puso
Upang maiwasan ang patak ng luha
At sakit na maaaring idulot mo

Dahil sa tuwing ika'y kasama
Nabubuo ang mga alaala
Mga gunitang 'di malilimutan
At hindi na maibabalik pa

Siguro nga hindi mo pansin
Kung gaano ka kahalaga sa'kin
Nakakapanghina kasing isipin
Na baka ako'y balewalain

Ngunit kahit huli at kulang ang oras
Hindi ko hahayaang dumating ang bukas
Na hindi ko nasasabi sa iyo
Mahal kita, paniwalaan mo
---------------------------
I do.. love you.

Dead Drunk

April 23, 2012
coz it damn hurts
as if writing this will make me feel better
------------------------------


Matatapos ba ang pagdurusa
Sa isang bote ng coca-cola
Mawawala ba ang sakit
Pag uminom ng serbesa


Hindi ko naman nais mangyari
Ngunit nawala sa aking sarili
Hindi ko man tanggap pero heto na
Patawad, hindi ko na kaya


Mahirap nang umasa sa wala
Kaya ngayon nagmumukhang tanga
Kailangan kita, naiinitindihan mo ba?
Wag mo akong iwang nagiisa


Ako'y nagkamali, aminado ako
Ngunit paano magsisimulang muli?
Nasayang ang bawat pagkakataon
Na ikaw sana ang kapiling


Kung maibabalik lang ang kahapon
Hindi sana kita nilisan
Hindi sana tumalikod
Sa pag-ibig mong wagas


Huli na nga ba ang lahat?
Upang ako'y iyong mapatawad?
Natatakot akong lumapit muli
Walang mukhang maihaharap sa'yo


Dahil sa bawat saglit na ika'y lumapit
Binalewala ko ang tulad mo
Nabulag sa isang bagay na ngayon
Ay nagdudulot ng kapighatian
--------------------------
my pen and paper described it all