Wednesday, November 7, 2012

Bakit kung kailang handa ka nang lumimot tsaka pa siya magpaparamdam? 
Nakakasawa mang pakinggan. Nakakapagod mang aminin pero mahal ko pa rin siya talaga.
At tulad ng sinabi ni John Lloyd sa 'One More Chance'

"Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na"

Bakit ang hirap pakawalan ng isang bagay na kailanman hindi naging iyo?
Siguro nga umaasa ka pa rin na makukuha mo ito balang araw.
Wala naman siyang ginagawa pero nasasaktan ka.
Hindi mo naman siya masisi.
Pinili mo naman kasi talagang masaktan.

Gusto ko nang lumayo pero hindi ko magawa.
Gusto ko nang sumuko.
Gusto ko nang limutin siya.
Gusto kong iiyak ang lahat pero ni patak ng luha wala.
Gusto kong maging masaya sa piling ng iba ngunit paano ko magagawa iyon kung siya lang ang gusto kong makasama?



No comments:

Post a Comment