Tuesday, September 18, 2012

Love Rant

Katatapos ko lang ng report ko nang biglang sumagi sa utak ko na 'single ako'
Nakakatawa. Hindi ko alam bigla lang pinaalala sa akin ng kantang Tattooed On My Mind. 
Ikaw lang naman ang naisip ko nang pinatugtog ko ulit iyon.
My alltime favorite song for you.

And I can't get you out of my dreams
Now I know that you're the dangerous kind
And your face is tattooed on my mind
And I can't get you out of my dreams

Yes I know you're tattooed

On my mind you're tattooed 

Minsan naiisip ko, ganyan ba kataas ang standards mo? Bakit hindi mo ako magustuhan? Ewan. O baka naga-assume lang ako. Ewan. Ang labo. Siguro ganun talaga. Hindi mo makukuha lahat ng gusto mo. Pero baka hindi pa rin kasi talaga oras. Baka kailangan ko lang talagang magtiyaga pa at maghintay. Pero paano yung ibang taong nakilala ko na, baka 'siya' na pala si Mr. Right pero pinakawalan ko pa dahil masyado akong nabulag sa'yo? Ewan. Basta ang alam ko, you are worth the wait. Hindi ko lang alam kung may worth ba ako sa'yo.

Gustong gusto kong sabihin sa'yo lahat ng nadarama ko pero para saan pa? Baka masaktan lang ako sa huli. Pero alam ko na mas masasaktan ako pag nalaman kong sa huli, sa kabila ng paghihintay, hindi pala ako ang para sa'yo. Pero bahala na Siya. I'll just wait. For now, kahit na may mga ibang taong 'pwede', hindi ko pa rin maalis sa isip ko na sana, sana ikaw na lang siya. Ayoko namang makipaglokohan lang sa kanila. Ang unfair naman nun. Kaya heto. I'm single. Minsan talaga nakakabagot. Nakakalungkot. Pero wala eh. This is not my time to be with someone because I'm not yet ready. Yes. I'm not yet ready to love unless it's you. Ikaw lang ang gusto kong mahalin sa ngayon. Oo, matagal na. Bakit hindi ka mawala sa isip ko? Bakit ba ikaw? 

Nasasaktan ako. Bakit hindi mo makita sa akin yung mga nakikita ng iba? At bakit may nakita ako sa'yo na hindi ko makita sa iba?

No comments:

Post a Comment