Sunday, May 13, 2012

Nanlamig Na Init

'coz writing this will make me feel better at least
-----------------------------------

Minsan hindi mo mapapansin
Lumilipas ang oras at unti-unting
Nalilimutan ang bawat sandali
Ng paghihintay sa muli mong pagbalik

Isang araw aking napagtanto
Nabalewala ang  pag-ibig sa iyo
Ayoko na sanang isipin ngunit
Nananaig ang pait at galit

Sabi nila kung tunay mong mahal
Wag susuko at iyong ipaglaban
Wag indahin kung nasasaktan
Patuloy na idasal sa Maykapal

Sadyang kalokohan ang lahat ng 'yon
P'ano maipadarama sa taong bato
Sa taong walang imik at walang kibo
Ang pusong wagas at handang ihandog

Pero salamat at nagising ako
Mula sa ilang buwang pagtingin sa'yo
Sa tapat ng salamin aking nakita
Nararapat sa akin ay higit pa

-----------------------------------
'coz this is what I feel as of the moment.
 


No comments:

Post a Comment