Sunday, October 10, 2010

Sa AS Lobby

Ako'y nakaupong nag-iisa

Nagmumuni-muni, nakatulala

Pinagmamasdan ang bawat dumaraan

Mataba, payat at hindi kagandahan

At doon sa tabi'y may naghahalakhakan


Ako'y nagising mula sa pagkaidlip

Bakit ba madalas akong naiinip?

Ikaw lang naman ang aking hinihintay

Siguro nga talagang limot mo na

Pero eto ako, tangang naghihintay pa


Isa lang naman ang tangi kong hiling

Kahit saglit, ika'y makapiling

Pero bakit mo ba ipinagkakait?

Isang yakap lang, matamis mong halik

At magpawalang hanggan mong pag-ibig

- Micah Elein C. Resos

---------------------

I wrote this poem on October 8, 2010 at AS lobby during lunch break.

This was what boredom can do. O.o

1 comment: