Sa umagang kay lamig
Iyong tinig aking naririnig
Sa pagmulat ng mga mata
Iyong maamong mukha aking nakikita
.
Sa umagang kay lamig
Nagsilbing init yaong pag-ibig
Mula pagtulog hanggang paggising
Ika'y nariyan sa aking piling
.
Sa tanghali namang napakainit
Tanging sa'yo lamang lumalapit
Kahit nung umaga ako'y lumisan
At tumatawag lang pag may kailangan
.
Ganyan ba talaga ang tulad mo?
Sinaktan na't tinaboy di pa rin susuko?
Dahil sa pag-ibig tinupad ang pangako
Pagkakamali ng lahat Iyong inako
.
Ang isang tulad ko ba'y karapat-dapat
Upang mahalin ng Diyos na tapat?
Ng Diyos na dakila't kabanal-banalan
Na may-ari ng lahat ng kapurihan
.
Sa gabing madilim ako'y nananamlay
Naubos ang lakas, tila walang buhay
Di Niya ako iniwan upang dumamay
Sa buong magdamag, Siya'y aking gabay
---------------------------------------------
Actually, this was the poem I was eagerly writing and polishing while waiting for my next class at the AS lobby third floor but apparently, that cute guy really caught my attention; therefore, I unexpectedly composed that second poem about him and forgot to finish this Filipino poem. However, when I got home, I completed it while typing this poem for God. :)
No comments:
Post a Comment